Nakataas pa rin ang Signal No. 2 sa sampung lugar sa bansa dahil sa Tropical Storm Crising na huling namataan sa layong 135 kilometers East Northeast ng Tuguegarao City, Cagayan.
Taglay ng bagyo ang lakas ng hangin na aabot sa 75 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 105 kilometers per hour.
ALSO READ:
Operation center ng NDRRMC inilagay sa Blue Alert dahil sa bagyong Isang
Planetary parade, masasaksihan sa mga susunod na araw – PAGASA
Bagyong “Podul” papasok sa bansa sa Linggo o Lunes; lalakas pa at magiging typhoon ayon sa PAGASA
Bagyong Fabian papalabas na ng bansa; hihina at magiging LPA muli ayon sa PAGASA
Kumikilos ang bagyo sa direksyong West Northwestward sa bilis na 20 kilometers per hour.
Nakataas ang Signal No. 2 sa sumusunod na mga lugar:
- Batanes
- Cagayan including Babuyan Islands
- Isabela
- Apayao
- Kalinga
- Northern and central portions ng Abra (Manabo, Pidigan, San Juan, Tayum, Langiden, Boliney, Sallapadan, Bucloc, Lagangilang, Danglas, La Paz, Licuan-Baay, Tineg, Malibcong, Peñarrubia, San Isidro, Daguioman, San Quintin, Dolores, Lagayan, Bangued, Bucay, Lacub)
- Eastern portion ng Mountain Province (Natonin, Paracelis)
- Eastern portion ng Ifugao (Aguinaldo, Alfonso Lista)
- Ilocos Norte
- Northern portion ng Ilocos Sur (Cabugao, Sinait, Magsingal, San Juan, San Ildefonso, Santo Domingo, Bantay, San Vicente, Santa Catalina, Caoayan, City of Vigan, Santa)
Signal No. 1 naman ang nakataas sa sumusunod na lugar:
- Quirino
- Nueva Vizcaya
- Rest of Mountain Province
- Rest of Ifugao
- Rest of Abra
- Benguet
- Rest of Ilocos Sur
- La Union
- Northern portion of Pangasinan (San Nicolas, Natividad, San Quintin, San Manuel, Tayug, Sison, San Fabian, Pozorrubio, Laoac, Binalonan, San Jacinto, Manaoag, Mangaldan, Dagupan City, Binmaley, Lingayen, Labrador, Sual, City of Alaminos, Bolinao, Anda, Bani, Agno, Burgos, Mabini, Dasol, Calasiao, Santa Barbara, Mapandan, Bugallon)
- Northern portion of Aurora (Dilasag, Casiguran, Dinalungan, Dipaculao, Baler, Maria Aurora)
- Northeastern portion of Nueva Ecija (Carranglan, Pantabangan)
Ayon sa PAGASA, aasahan ang pagtama sa kalupaan ng bagyong Crising sa mainland Cagayan o Babuyan Islands.
Inaasahan na patuloy na lalakas ang bagyong Crising at aabot sa Severe Tropical Storm category Sabado ng gabi o Linggo ng umaga.