DEAD ON THE SPOT ang isang lalaki matapos ratratin ng bala ng hindi pa nakikilalang mga salarin pasado alas 3:45 umaga ng Sabado, October 14, 2023.
Nangyari ang insidente sa Maharlika Highway, Purok 4, Brgy. Capoocan, Calbayog City.
Kinilala ang biktima na si Reden Escorido, nasa hustong gulang at residente ng Sitio Caballero Purok 7 Brgy. Rawis, Calbayog City.
Sa inisyal na imbestigasyon ng PNP Calbayog, habang nakikipag-inuman ang biktima sa kanyang mga kaibigan sa isang establisemento sa Brgy. Capoocan ay nagkaroon umano ng pagtatalo ang biktima sa isa pang kostumer.
Matapos ang inuman ay lumabas na ang biktima kasama ang mga kaibigan nito nang biglang pagbabarilin ng hindi pa nakilalang salarin na nagresulta ng kanyang agarang kamatayan.
Pagkatapos nito, sumakay umano ang suspek sa isang motorsiklo at tumakas patungo sa hindi malamang direksyon.
Dinala na sa punerarya ang biktima para isailalim sa post morten examination.