NAKAPAGTALA ang bansa ng surplus sa Balance of Payment (BOP) noong Mayo, kabaliktaran mula sa deficit na nai-record sa kaparehong buwan noong nakaraang taon.
Sa datos na inilabas ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), umabot ang BOP surplus noong nakaraang buwan sa 2 billion dollars kumpara sa 439-million dollar deficit noong May 2023.
ALSO READ:
Rice Tariff Collections, aabot lamang sa 13 billion pesos dahil sa pinalawig na Import Ban sa bigas
PBBM, nilagdaan ang 8 Petroleum Service Contracts na nagkakahalaga ng 207 million dollars
Motorcycle Sales, lumobo ng 11.8 percent sa unang 8 buwan ng 2025
Debt Service Bill ng gobyerno, umakyat sa 665 billion pesos noong Agosto
Ang BOP surplus noong Mayo ay repleksyon ng inflows mula sa Net Foreign Currency Deposits ng National Government sa BSP, kabilang ang kinita mula sa pag-iisyu ng global bonds, at net income mula sa investment board ng Central Bank.
Sa unang limang buwan ng taon, nakapagtala ang bansa ng surplus sa BOP na 1.6 billion dollars, mas mababa kumpara sa 2.9 billion dollars noong Enero hanggang Mayo ng 2023.