13 February 2025
Calbayog City
National

Senado, magpapatawag ng full briefing sa DFA kaugnay ng pinakahuling insidente sa Ayungin Shoal

IPATATAWAG ng Senado ang Department of Foreign Affairs (DFA) para sa “full briefing” sa insidenteng naganap sa Ayungin Shoal sa pagitan ng mga tauhan ng Philippine Navy at Chinese Coast Guard.

Sa isang pahayag, sinabi ni Senate Presidente Chiz Escudero na labis nang nakababahala ang lumalalang tensyon sa West Philippine Sea.

Nanawagan din si Escudero ng pagkakaroon ng dayalogo ng mga opisyal ng dalawang bansa para maiwasan na ang mas matindi pang tensyon.

Sinabi ni Escudero na maliban sa paghahain ng diplomatic protests, dapat ay gumawa ng hakbang ang DFA partikular ang pakikipagdayalogo sa counterparts nito sa Beijing.

Pitong sundalo ang nasugatan dahil sa insidente na naganap sa Ayungin Shoal sa kasagsagan ng pagsasagawa ng Rotation and Resupply Mission sa BRP Sierra Madre.

donna cargullo
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *