BIBIDA sa bagong action movie si dating Senador Manny Pacquiao at American-Korean actor Ma Dong-Seok, na kilala rin bilang Don Lee.
Sinabi ni dating Ilocos Sur Governor at Movie Producer Luis “Chavit” Singson, na nagkita na ang pambansang kamao at “train to busan” actor nang magtungo sila sa South Korea.
ALSO READ:
Kylie Padilla, nag-react sa pag-amin ni AJ Raval na may mga anak na ito kay Aljur Abrenica
Jessica Sanchez, uuwi sa Pilipinas para sa New Year’s Countdown event
Bela Padilla, binatikos si Pangasinan Cong. Mark Cojuangco sa mga komento nito sa mga binaha; Slater Young, pinasaringan
Sexbomb Girls, tinanggal si Anjo Yllana sa Lyrics ng “Bakit Papa?” sa kanilang performance sa “Eat Bulaga!”
Aniya, may kasamang boksing ang gagawin nilang pelikula na babagay para kay Manny.
Idinagdag ng dating Gobernador na mayroong ibang eksena sa pelikula na kukunan sa Pilipinas, at plano rin aniya ni Lee na magtayo ng studio sa Vigan.
Bukod sa kanyang tumatak na karakter sa Train to Busan, nakilala rin si Lee sa kanyang pagganap sa “eternals” ng Marvel.
