PINATAWAN ng tatlumpung (30) araw na suspensyon ang isang bus ng Solid North na may rutang Cabanatuan-Baguio matapos masangkot sa aksidente sa Nueva Ecija kung saan dalawa ang nasawi.
Sa inilabas na Show Cause Order ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB, inatasan din ang Solid North na isalang sa Road Worthiness Check ang mga bus nito at isailalim sa Road Safety Seminar at Mandatory Drug Testing ang kanilang mga driver.
Halos 10,000 na pulis, ipinakalat sa BARMM bilang paghahanda sa Parliamentary Elections
Mahigit 2,400 na magsasaka sa Pampanga tumanggap ng tulong-pinansyal sa ilalim ng AKAP
Debris ng rocket na-rekober ng coast guard sa baybayin ng Occidental Mindoro
Halos 160 na bata na biktima ng pang-aabuso, nasagip sa 1 Care Facility sa Pampanga
Sa inisyal na imbestigasyon, nangyari ang aksidente noong Aug. 13 sa Santa Rosa, Nueva Ecija matapos na mawalan umano ng kontrol sa manibela ang driver kaya napakabig ito pa-kaliwa at tumama sa isang sasakyan at katabing canteen.
Samantala sa hiwalay na kautusan, sinuspinde naman ng Land Transportation Office ang lisensya ng driver ng nasabing bus sa loob ng siyamnapung (90) araw.
Inatasan din itong humarap sa tanggapan ng LTO sa Quezon City para magpaliwanag.