8 February 2025
Calbayog City
Business

Bureau of Treasury nagpatupad ng Insurance Program para sa mga assets ng gobyerno

Bureau of the Treasury building in Intramuros, Manila Walter Eric Sy | Dreamstime.com

IPINATUPAD ng Bureau of Treasury ang National Insurance Indemnity Program (NIIP) para sa coverage ng mahahalagang assets ng pamahalaan.

Saklaw ng NIIP ang inisyal na 132,862 na School Buildings ng Department of Education na may approximate value na mahigit 800 billion pesos.

Sinabi ng treasury na sakop nito ang premium para sa pilot program gamit ang excess payout na natanggap mula sa Catastrophe Bond.

Insured ng Government Service Insurance System (GSIS), layunin ng NIIP na maprotektahan ang government finances mula sa unexpected losses, bunsod ng mga kalamidad, gaya ng bagyo at lindol, at matiyak na may mapagkukunan ng pondo para sa reconstruction.

donna cargullo
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *