UMAKYAT sa 11 trillion pesos ang budget proposals ng Government Agencies para sa 2026 National Budget.
Mas mataas ito ng 20 percent kumpara sa 9.2 trillion pesos na Funding Request na ginawa para sa kasalukuyang 2025 budget.
ALSO READ:
Rice Tariff Collections, aabot lamang sa 13 billion pesos dahil sa pinalawig na Import Ban sa bigas
PBBM, nilagdaan ang 8 Petroleum Service Contracts na nagkakahalaga ng 207 million dollars
Motorcycle Sales, lumobo ng 11.8 percent sa unang 8 buwan ng 2025
Debt Service Bill ng gobyerno, umakyat sa 665 billion pesos noong Agosto
Ayon kay Budget Undersecretary Goddess Hope Libiran, hindi pa ito pinal at tatlong bureaus pa lamang ang na-finalize.
Batay aniya sa mga isinumiteng proposals, karamihan sa mga ahensya ay humihirit ng 200 hanggang 300 percent na increase para sa kanilang budget sa susunod na taon.
Inihalimbawa ni Libiran ang Armed Forces of the Philippines na nagpapadagdag ng pondo para sa kanilang Modernization Program.