DINAKIP ng pinagsanib-puwersa ng Calbayog City Police Station SDET, SPPO, PDEU, at PDEA-8 at Samar Police Office, ang suspek na si Mark Abonal alyas Margo, 37 anyos, na isang Barangay Secretary ng Barangay Palencia, Tarangnan Samar.
Ikinasa ang buy-bust araw ng linggo, August 20, 2023 ala una ng hapon sa Magsaysay Extension Brgy. Rawis, Calbayog City.
Nabatid na nasa kategorya ng High Value Target (HVT) ang suspek.
Nakuha sa suspek ang dalawang (2) pirasong sachet ng hinihinalang shabu, ang subject of sale na nasa kanyang pag-iingat, buy bust money na P500, wooden stick na improvised sealer, P100 cash at mobile phone.
Tinatayang nasa mahigit kumulang sa 2-gramo at nagkakahalaga sa P13,600 ang halaga ng droga na nakuha kay Margo.
Dinala na ang suspek sa Calbayog CPS para sa dokumentasyon at tamang disposisyon at pansamantalang nakapiit sa kustodiya ng Calbayog CPS.
Mahaharap ang suspek sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.