MAAYOS na ang kalagayan ni Brazilian President Luiz Inácio Lula Da Silva matapos sumailalim sa operasyon dahil sa pagdurugo ng utak, ayon sa kanyang mga doktor.
Dinala sa ospital sa kabisera na Brasilia, ang pitumpu’t siyam na taong gulang na pangulo, matapos magreklamo ng matinding pananakit ng ulo.
ALSO READ:
5 pang suspek, inaresto bunsod ng Louvre Heist sa Paris
Israel, muling umatake sa Gaza matapos akusahan ang Hamas na lumabag sa Ceasefire; 20 katao, patay!
Lithuania, isinara ang Border sa Belarus kasunod ng paglabag sa kanilang Airspace
Egypt at Red Cross, tumulong sa paghahanap sa labi ng mga bihag sa Gaza
Sa MRI scan, nadiskubre ang pagdurugo, at inilipat ang Brazilian President sa sikat na Sirio-Libanes Hospital sa Sao Paulo para ma-drain.
Sa statement ng ospital, ang intracranial hemorrhage ay dulot ng paghampas ng ulo ni Da Silva sa banyo ng presidential residence noong Oktubre.
