9 June 2025
Calbayog City
National

Bomb threat laban sa mga ahensya ng pamahalaan, tinawag na “alarming” ng NBI

bomb threat

Tinawag ng National Bureau of Investigation (NBI) na “alarming” ang nangyaring bomb threat sa mga ahensya ng pamahalaan.

Bunsod nito ay nanawagan si NBI Director Medardo de Lemos sa publiko na maging mapagmatyag at i-report sa mga otoridad ang anumang kaduda-dudang aktibidad o impormasyon na may kaugnayan sa naturang kaso.

Binigyang diin ng NBI at ng Department of Justice na siniseryoso nila ang bomb threats at tutugunan nila ito, alinsunod sa itinatakda ng batas.

Nakikipag-ugnayan na ang NBI sa Japan Police Attaché at sa iba pang law enforcement agencies para pag-aralan ang bomb threat na ipinadala ng isang Takahiro Karasawa, kahapon.

Nabatid na dati nang naugnay si Karasawa sa bomb threats sa iba’t ibang bansa.

Ito rin umano ang nasa likod ng bomb threat sa MRT noong Sept. 8, 2023.

donna cargullo

Chief News Correspondent
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *