NAKALIKHA ang Bureau of Customs – Manila International Container Port ng 1.8 million pesos na revenue mula sa public auction ng mga kinumpiskang produkto, kamakailan.
Ayon kay District Collector Rizalino Jose Torralba, kabilang sa isinubasta ang labintatlong containers na mayroong iba’t ibang items, gaya ng sandals, inflatable pools, at used motor vehicle.
Nakakolekta ang Auction and Cargo Disposal Division ng MICP ng kabuuang 1,782,500 pesos mula sa auction proceeds at 20,200 pesos mula sa bidder registration fees.
Ang public auctions ay alinsunod sa Customs Modernization and Tariff Act (CMTA), at Customs Administrative Order (CAO).