UMABOT sa 15.78 billion pesos ang nakolektang buwis ng Bureau of Internal Revenue (BIR) Eastern Visayas noong nakaraang taon.
Lagpas ito sa 15.34 billion pesos na target para sa taong 2024, pati na sa nakolekta nito noong 2023.
ALSO READ:
Increase sa incentives ng BHWs, inaprubahan sa Northern Samar
DILG, muling nanawagan sa barangay officials na paigtingin ang hakbang sa disaster preparedness sa Eastern Visayas
Mahigit 10,000 atleta, lalahok sa EVRAA Meet sa Baybay City
Catbalogan RTC judge, sinuspinde ng Supreme Court ng 6 na buwan dahil sa hindi pagdedeklara ng criminal case
Ayon kay BIR Eastern Visayas Director Edith Yap, nalagpasan ng kanilang Regional Office ang 13.15 billion pesos na total collection noong 2023, matapos tumaas ang koleksyon ng lahat ng anim na revenue district offices sa rehiyon.
Pang-apat ang Eastern Visayas sa dalawampu’t dalawang revenue regional offices, pagdating sa tax collection performance noong nakaraang taon.
