Dumating na sa South Korea ang nation’s girl group na BINI para sa dadaluhang “Billboard K Power 100” sa Seoul.
Pinili ng Billboard Philippines ang OPM girl group para tumanggap ng “Voices of Asia Award.”
Nakatakda ring mag-perform ang grupo ng kanilang chart-topping single na “Cherry on Top” sa naturang event.
Bukod sa BINI, dadalo at tatanggap rin ng “Voices of Asia Award” ang pinoy super group na SB19 at magpe-perform din sila ng kanilang massive hit na “Gento.”




