TUMAAS ang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho noong Enero, batay sa resulta ng labor force survey ng Philippine Statistics Authority (PSA).
Sa press conference, sinabi ni Deputy National Statistician at PSA Assistant Secretary Divina Gracia Del Prado, na umakyat sa 2.16 million ang bilang ng mga pinoy na walang trabaho, edad labinlima pataas, sa unang buwan ng 2025.
ALSO READ:
Rice Tariff Collections, aabot lamang sa 13 billion pesos dahil sa pinalawig na Import Ban sa bigas
PBBM, nilagdaan ang 8 Petroleum Service Contracts na nagkakahalaga ng 207 million dollars
Motorcycle Sales, lumobo ng 11.8 percent sa unang 8 buwan ng 2025
Debt Service Bill ng gobyerno, umakyat sa 665 billion pesos noong Agosto
Mas mataas ito kumpara sa 1.63 million unemployed individuals noong December 2024.
Dahil dito, bumaba naman ang bilang ng employed Filipinos noong Enero sa 48.49 million mula sa 50.19 million noong Disyembre.