22 November 2024
Calbayog City
National

Bilang ng mga nasawi sa Bagyong Kristine, umakyat na sa 85, ayon sa Office of Civil Defense

LUMOBO na sa walumpu’t lima ang bilang ng mga nasawi sa pananalasa ng Bagyong Kristine, ayon sa Office of Civil Defense.

Gayunman, inihayag ni OCD Administrator, Undersecretary Ariel Nepomuceno, na bina-validate pa nila kung ang dahilan ng pagkasawi ng mga biktima ay bunsod ng epekto ng nagdaang bagyo.

Sinabi rin ni Nepomuceno na inaasahang tataas pa ang bilang ng casualties, dahil mayroon pang apatnaput isa na nawawala.

Aniya, posible ring madagdagan pa ang pitumpung nasugatan dahil sa kalamidad.

Ayon pa sa OCD Official, marami sa mga nasawi ang biktima ng landslides, habang ang iba ay dahil sa pagbaha.

Sa tala naman ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (ndrrmc), mayroong isandaan limamput walong lugar na nagdeklara ng state of calamity bunsod ng epekto ng Bagyong Kristine.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).