Labingwalo pang kandidato sa nagdaang 2023 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) ang diniskwalipika ng COMELEC.
Dahil dito, umakyat na sa tatlumpu’t siyam ang bilang ng BSKE candidates na ininvalidate ng poll body.
Mula sa naturang bilang, hindi naman tinukoy ng COMELEC kung ilan sa mga ito ang nanalo sa idinaos na halalan noong Oct. 30.
Dalawampu’t siyam na mga kandidato ang diniskwalipika bunsod ng premature campaigning habang tatlo ang mayroong misinterpretations sa kanilang Certificates Of Candidacy.
Dalawa naman ang idineklarang nuisance candidates, dalawa ang sangkot sa vote-buying habang ang natitirang iba pa ay may kinakaharap na kasong kriminal, sibil, o administratibo.