PINAALALAHANAN ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang publiko sa kalidad ng isda na binibili nila sa palengke.
Kasunod ito ng napaulat na food poisoning sa lalawigan ng Samar.
Ayon sa Rural Health Unit sa bayan ng Sta. Rita, kabuuang tatlumpu’t pitong kaso ng food poisoning ang idinulot ng isdang tamban na umano’y mula sa Catbalogan City.
Sa naturang bilang, tatlumpu’t dalawa ang nakitaan ng mga sintomas, gaya ng pagkahilo, pagsusuka, pananakit ng tiyan, at pamamanhid.