SINIMULAN na ang pagbebenta ng bente pesos na kada kilo ng bigas sa Tacloban City, para sa mga residenteng mula sa Vulnerable Sectors.
Isanlibo dalawandaan at limampung Senior Citizens, Solo Parents, Persons with Disabilities, at mahihirap na pamilya mula sa iba’t ibang barangay sa San Jose District ang bumili ng mura subalit dekalidad na bigas sa Burayan Gymnasium sa ilalim ng “Benteng Bigas Meron (BBM) Na!” Program.
Calbayog Fiesta 2025: Hadang Festival, Feast of the Nativity of the Blessed Virgin Mary at Historic Three-Peat sa Tandaya
300 benepisyaryo mula sa Tacloban City, naka-graduate na mula sa 4Ps
Kaldero guin kawat, 3 katawo arestado sa Calbayog City
DOST at Northern Samar, lumagda ng Deal para sa pag-unlad ng Fiber Extraction
Sinabi ni Francis Rosaroso, Department of Agriculture Regional Agribusiness and Marketing Assistance Division Chief, ito na ang ikalawang release ng benteng bigas sa Tacloban City.
Idinagdag ni Rosaroso na umaasa sila na masusundan pa ang distribusyon dahil mayroon nang mga kasunduan sa pagre-release ng tatlumpung libong sako ng bigas para lamang sa Tacloban City.