NAGTAMO ng tig-dalawang tama ng baril ang beauty pageant contestant at Israeli boyfriend nito, batay sa autopsy na isinagawa ng National Bureau of Investigation.
Ayon kay NBI Director Jaime Santiago, ang beauty pageant contestant na si Geneva Lopez ay binaril sa likod na tumagos sa dibdib at hita, habang ang kasintahan nito na si Yitshak Cohen ay may mga tama ng bala sa dibdib at malapit sa kilikili.
Mahigit 32,000 na bagong guro, asahan sa susunod na taon – DepEd
Sandiganbayan 6th Division, kinonsolidate ang mga kaso sa 289-Million Peso Naujan Flood Control Case
Dating DPWH Secretary Rogelio Singson, nagbitiw sa ICI
Dating Senador Bong Revilla at iba pang personalidad, inirekomendang kasuhan ng ICI bunsod ng flood control scandal
Sinabi ni Santiago na may natagpuang bala sa katawan ni Lopez na isinumite na para sa ballistics examination.
Sabado ng umaga nang madiskubre ang dalawang bangkay sa bakanteng lote sa isang quarry site sa Barangay Sta. Lucia, sa Capas, Tarlac.
Idinagdag ng NBI Director na mismong mga kaanak ng magkasintahan ang nagkumpirma sa pagkakakilanlan ng mga biktima.
