22 December 2025
Calbayog City
Province

Batang babae, nailigtas mula sa nasawing hostage taker sa Marawi City

NAPASLANG ng rumespondeng pulis ang bente otso anyos na lalaki na nang-hostage ng anim na taong gulang na babae, sa Barangay Sabala Manao Proper sa Marawi City.

Ayon sa Police Regional Office-BANGSAMORO Autonomous Region (PRO-BAR), pinaniniwalaang nasa ilalim ng impluwensya ng ipinagbabawal na gamot ang suspek nang pumasok ito sa bahay ng biktima at sapilitan itong binitbit saka tinutukan ng kutsilyo sa leeg.

Nagkataon naman na nagdya-jogging sa lugar si Police Senior Master Sergeant Sohair Solaiman, miyembro ng Molunda Municipal Police Station, kaya agad itong rumesponde at nakipag-negosasyon sa suspek para pakawalan ang biktima.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).