Nagbanggaan ang barko ng Pilipinas at China malapit sa Ayungin Shoal, ayon sa China Coast Guard (CCG).
Gayunman, tikom ang bibig ng Philippine Coast Guard (PCG) at National Task Force on the West Philippine Sea (NTF-WPS) hinggil sa umano’y pinakahuling resupply mission.
ALSO READ:
VP Sara, pinarerebyu kay Ombudsman Remulla ang kanyang SALN
Report sa 105 million pesos na ‘Ghost’ Farm-to-Market Road Projects, isinumite na kay Pangulong Marcos – DA
Halos 71K na pamilya sa Davao Oriental, naapektuhan ng malakas na lindol; US, nagpadala ng tulong
Barko ng Pilipinas, binomba ng tubig at binangga ng China Coast Guard sa katubigan ng Pag-asa Island
Ayon sa CCG, ang Philippine supply ship ang lumapit sa Chinese ship.
Iligal din umanong pinasok ng barko ng Pilipinas ang katubigang malapit sa second Thomas Shoal o Ayungin Shoal at binalewala ang paulit-ulit na babala ng China.
Walang nabanggit sa statement kung mayroong nasugatan o napinsala mula sa dalawang barko bunsod ng banggaan.