May malakihang pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo ngayong Martes.
Walumpu’t limang sentimos (P0.85) ang idinagdag ng mga kumpanya ng langis sa kada litro ng gasolina habang piso at pitumpu’t limang sentimos (P1.75) sa diesel.
May taas-presyo rin na piso at siyamnapung sentimos (P1.90) sa kada litro naman ng kerosene o gaas.
Binawi lang nito ang price rollback noong nakaraang Martes na animnapung sentimos (P0.60) sa kada litro ng gasolina, piso at dalawampung sentimos (P1.20) sa diesel, at piso at tatlumpung sentimos (P1.30) sa kerosene.