BUMALIK ang Balance of Payments (BOP) ng bansa sa surplus na 3.1 billion dollars noong Pebrero, pinakamataas sa loob ng limang buwan.
Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), ang BOP surplus noong ikalawang buwan ng 2025 ay kabaliktaran ng 4.1-billion dollar deficit na naitala noong Enero.
Sinabi rin ng BSP na ang BOP surplus ay repleksyon ng net foreign currency deposits ng National Government sa Central Bank.