DINUROG ng Criss Cross ang PGJC-Navy sa score na 25-18, 25-17, 25-19, para makumpleto ang sweep sa elimination round ng 2025 Spikers’ Turf Open Conference sa Rizal Memorial Coliseum.
Karamihan sa Criss Cross starters ay limitado lamang na naglaro ng ilang minuto, subalit ang kanilang ikalawang unit ay nagpakita ng bangis para sa itinakdang standard ng King Crunchers. Samantala, tinapos ng Undermanned Sealions ang kanilang season sa pamamagitan ng eight-game losing streak, at nangulelat sa 1-9 record.