Posibleng lumakas pa at pumasok sa bansa ang bagyong may international name na Podul.
Ang Tropical Storm Podul ay huling namataan sa layong 2,410 kilometers East ng Extreme Northern Luzon.
ALSO READ:
Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 75 kilometers per hour at pagbugsong aabot sa 90 kilometers per hour.
Kumikilos ang bagyo sa bilis na 15 kilometers per hour sa direksyong northwest.
Ayon sa PAGASA, sa Linggo (Aug. 10) ng gabi o sa Lunes (Aug. 11) ng umaga ay posibleng pumasok sa loob ng bansa ang bagyo.
Inaasahan ng lalakas pa ito at aabot sa typhoon category sa linggo.




