NAKATAKDANG buksan, partially, ang bagong Tacloban Airport Terminal building sa 2026 bilang bahagi ng long-term goal upang maabot ang international standards.
Sinabi ni Department of Economy, Planning, and Development (DEP-DEV) Regional Director Meylene Rosales, na naka-full swing na ang konstruksyon ng tatlong phases ng proyekto.
Ito aniya ay matapos simulan ng Regional Development Council (RDC) ang problem-solving sessions at paigtingin ang kanilang regular monitoring.
Idinagdag ni Rosales na sa mga nakalipas na buwan ay tinupad ng contractors ang kanilang pangako na bibilisan ang proyekto.