ISANDAANG porsyento nang handa ang PNP para bantayan ang halalan, sa pamamagitan ng pagde-deploy ng 163,000 na mga tauhan sa buong bansa.
Ginawa ni PNP Chief Police General Rommel Francisco Marbil ang pagtiyak sa activation ng Media Action Center (MAC) sa PNP Media Center sa Camp Crame.
DILG, iniutos ang maagang paghahanda sa Super Typhoon “Uwan”
DOH, nagtaas ng Code Blue Alert kasunod ng deklarasyon ng State of National Calamity
760 million pesos na Cash Aid, ipinagkaloob ng Office of the President sa mga biktima ng Bagyong Tino
State of National Calamity, idineklara ni Pang. Marcos dahil sa pinsala ng Bagyong Tino at sa papasok na Super Typhoon Uwan
Magsisilbing ang MAC bilang central hub para sa koordinasyon ng impormasyon sa pagitan ng National Election Monitoring Action (NEMAC), PNP, at national and local media.
Sinabi ni Marbil na simula ngayong Huwebes ay ipadadala na ang mga pulis sa kani-kanilang designated polling precincts at areas of concern.
Karagdagang 38,000 personnel mula sa partner government agencies ang ide-deploy din para suportahan ang security, traffic, at emergency response operations sa buong bansa.
