IPINAKITA ni Albuera, Leyte, Mayor Kerwin Espinosa ang kanyang commitment na gawing drug-free ang kanyang hometown.
Sa pamamagitan ito ng pagbubukas ng Balay Silangan Reformation Center sa naturang bayan, kamakailan.
DSWD-8, naghahanda para sa 3.49 billion pesos na social pension ng senior citizens
Calbayog City Duterte Supporters Signature Campaign, naguin malinampuson
Eastern Visayas, target i-update ang SDG Catch-up Plan
Supersonics Taekwondo Athlete Roivy Cabrillas, nasungkit ang gintong medalya sa nagpapatuloy na EVRAA 2026 sa Baybay City
Sinabi ni Espinosa, na dating self-confessed drug lord, na ang idinesenyo ang center para magbigay ng holistic approach, sa rehabilitasyon ng drug surrenderers.
Matapos malampasan ang pagkalulong sa ilegal na droga, magbibigay ang pasilidad ng life skills, vocational training, psychological support, at community reintegration.
Pinangunahan ng alkalde at iba pang local officials ang inagurasyon at paglagda sa Memorandum of Agreement para sa proyekto, katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency, Department of the Interior and Local Government, at ng Philippine National Police.
Makikipag-coordinate ang reformation center sa Local Government Units, at sa mga ahensya gaya ng Department of Education at Technical Education and Skills Development Authority, maging sa community stakeholders upang matiyak ang accessible at comprehensive rehabilitation services para sa mga residente.
