NAGPALABAS ng Immigration Lookout Bulletin (ILBO) ang Bureau of Immigration (BI) laban kay dating Presidential Spokesperson Harry Roque at labing isang iba pa kaugnay sa sinalakay na POGO Hub sa Porac, Pampanga.
Inilabas ng BI ang ILBO laban kina Roque; Cassandra Li Ong, na siyang authorized representative ng Porac POGO Hub; dating Technology and Livelihood Resource Center (TLRC) Deputy Director General Dennis Cunanan, at iba pa.
Bilang ng mga nasugatan dahil sa mga paputok, lagpas na sa 100 – DOH
Dating Executive Secretary Lucas Bersamin, itinangging siya ang “ES” na tinukoy sa “cabral Files”
Final version ng 6.793-Trillion Peso Budget para sa taong 2026, aprubado na ng BICAM
Goitia: Malinaw na Direksyon sa Ilalim ni Pangulong Marcos, Naghatid ng Tiyak na Resulta para sa mga Guro
Ginawa ng BI ang aksyon dahil sa usaping kinasasangkutan ni Roque at ng iba pang nabanggit na indbidwal.
Sa ilalim ng ILBO, ang pagbiyahe ni Roque ay imomonitor ng BI para malaman at mabantayan ang kaniyang kinaroroonan.
Tinawag namang “harassment” ni Roque ang hakbang ng BI.
Aniya, haharapin niya ang lahat ng akusasyon laban sa kaniya at wala ding dahilan para lumabas siya ng bansa.
