15 March 2025
Calbayog City
Metro

Maynila, magbibigay ng P2 Million na cash reward kay Carlos Yulo habang P500K kay EJ Obiena

MAKATATANGGAP ng dalawang milyong pisong cash reward mula sa pamahalaang lungsod ng Maynila si Two-Time Gold Winning Paris Olympian Carlos Yulo.

Sa Facebook post, sinabi ni Manila Mayor Honey Lacuna, na sa pagbabalik ni Yulo sa bansa ay ibabahagi ng lungsod ang gantimpala bilang pagkilala sa kanyang galing sa gymnastics.

Naghahanda na rin ang lungsod para sa isasagawang grand parade na planong simulan sa Leveriza Street hanggang sa Malate kung saan lumaki si Yulo.

Samantala, pagkakalooban din ng Maynila ang Pinoy Pole Vaulter na si EJ Obiena ng incentive na kalahating milyong piso.

Ito’y matapos mag-fourth place sa 2024 Paris Olympics si Obiena na tubong Tondo.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).