SINUSPINDE ng Ombudsman ng anim na buwan si Mayor Jose Arturo Suan ng Allen, Northern Samar, kaugnay ng Road Project ng municipal government sa isang private property.
Naisilbi na rin ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang naturang suspension order.
Itinalaga naman si Vice Mayor Christian Lao bilang Acting Mayor habang magsisilbi munang Bise Alkalde si Sangguniang Bayan Member Ronnel Cajandab.
Nakasaad sa desisyon ng ombudsman na guilty si Suan sa grave abuse of authority and opression.
Nag-ugat ang suspension order mula sa reklamong inihain ng isang Maricon Ablig na ang private property ay ginamit para sa road project.