UMUSAD ang Olympians na sina Eumir Marcial at Aira Villegas sa 2025 SEA Games Boxing Finals matapos patumbahin ang kani-kanilang kalaban sa Semifinals sa Thailand.
Nakamit ni Marcial, Bronze Medalist sa Tokyo Olympics, ang tagumpay matapos i-knockout ang pambato ng Vietnam para makaabante sa Men’s 80-Kilogram Finals.
ALSO READ:
Alex Eala, nasungkit ang kanyang unang SEA Games gold medal sa Women’s Tennis
Alex Eala, pinadapa ang pambato ng Thailand para makapasok sa Tennis Finals sa SEA Games
Pilipinas, nakasungkit ng 4 na gold medals sa SEA Games Practical Shooting
Hidilyn Diaz, bigong makaakyat sa Podium sa kanyang pagbabalik sa SEA Games
Samantala, si Villegas naman na nakasungkit ng bronze medal sa Paris Olympics, ay nakuha ang unanimous decision laban sa atleta ng Myanmar upang makapasok sa Finals ng Women’s 50-Kilogram Division.
Makakasagupa ni Marcial ang boksingero ng Indonesia habang makakalaban ni Villegas ang pambato ng Thailand sa Championship, bukas, sa Chulalongkorn University Sports Center sa Bangkok.
