MALUGOD na tinanggap ng Philippine Army sa Eastern Visayas ang pagdating ng Artillery Platoon na tutulong sa pagsugpo sa insurhensiya sa Northern Samar.
Ayon kay 8th Infantry Division Spokesperson, Capt. Jefferson Mariano, ang dumating na 2nd Howitzer Platoon ng Armor Artillery Regiment ng army ay highly trained para gumawa ng artillery operations.
Nabatid na ang naturang platoon na dating nakatalaga sa lalawigan ng Capiz sa ilalim ng 3rd Infantry Division ay mayroong dalawang Howitzer Tubes at siyam na personnel.
Palalakasin ng Deployment ng Howitzer Platoon ang umiiral na firepower capabilities upang tuluyan nang madurog ang Communist Party of the Philippines-New People’s Army sa rehiyon.