19 April 2025
Calbayog City
Local

Army official, tiniyak ang pinaigting na seguridad sa mga hot spot area sa Leyte

TINIYAK ni Brig. Gen. Noel Vestuir, Commander ng 802nd Infantry Brigade ng Army, na tututukan ng mga awtoridad ang ligtas na pagdaraos ng halalan sa Mayo a-dose.

Sinabi ni Vestuir na bilang deputized personnel ng COMELEC, tutulungan ng militar ang Philippine National Police.

Aniya, bago pa man ang eleksyon ay mayroon na silang kasunduan sa PNP para sa deployment.

Ginawa ni vestuir ang pagtiyak, kasunod ng apela ni Father Edwin Perito, kinatawan ng Civil Society Organization sa Leyte Provincial Peace and Order Council, na dagdagan ang presensya ng uniformed personnel bago ang midterm elections.

Una nang isinailalim ng poll body ang mga bayan ng Albuera, Palompon, at Villaba sa yellow category, na may napaulat na election-related incidents o violence, may presensya ng partisan political rivalry, at private armed groups.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).