BINALAAN ng Amerika ang Iran na huwag makialam sa krisis sa Israel upang hindi lumawak pa ang nararanasang kaguluhan sa naturang bansa.
Kasunod ito nang palitan din ng artillery at rocket fire sa pagitan ng Israel at Lebanese Armed Group na Hezbollah na ikinasawi ng tatlo nitong miyembro.
Sinabi ni General Charles Brown, Chairman ng Joint Chiefs of Staff na hindi dapat ma-involved ang Iran sa bakbakan ng Israeli Forces at Palestinian Militant Group na hamas bunsod ng posibilidad ng cross-border violence.
Una nang inakusahan ng White House ang iran na kasabwat sa pag-atake sa Israel, sa kabila nang walang ebidenya na tumutukoy sa direktang partisipasyon ng Tehran sa mga pag-atake ng Palestinian Islamist Group na Hamas.