Inaresto ng mga awtoridad si Daraga Mayor Carlywyn Baldo sa Camalig, Albay, kaugnay ng pagpaslang kay Ako Bicol Party-List Rep. Rodel Batocabe at sa police aide nito noong 2018.
Ayon sa PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), isinilbi ang warrant of arrest kay Baldo, 12:45 ng madaling araw, kahapon.
5 hinihinalang miyembro ng NPA, patay sa engkwentro sa Lagonoy, Camarines Sur
Bulkang Kanlaon sa Negros, muling nagbuga ng abo
Batang babae, nailigtas mula sa nasawing hostage taker sa Marawi City
Mag-amang namaril sa Bondi Beach sa Australia, halos hindi lumalabas sa kanilang hotel room sa Davao habang nasa Pilipinas
Sinamahan naman ang alkalde ng kanyang legal counsel at dinala sa CIDG Albay office para sa documentation at proper disposition.
Kamakailan ay naglabas ang Regional Trial Court-National Capital Region ng bagong arrest warrant laban kay Baldo, na kabilang sa limang akusado sa kasong two counts of murder at walang inirekomendang piyansa.
December 2018 nang pagbabarilin si Batocabe at kanyang police aide na si Master Sergeant Orlando Diaz, habang dumadalo sa isang gift giving event sa Daraga.
