Limitado ang naging operasyon ng Pasig River Ferry Service kahapon bunsod ng napakaraming water hyacinths sa ilog.
Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), ang tanging nag-operate na ruta ay mula sa Guadalupe hanggang Sta. Ana, at pabalik.
Ang limitadong operasyon ay dulot ng makapal na water hyacinths na nakaharang malapit sa Napindan dockyard.
Sa advisory, nasa labinlima hanggang dalawampung tonelada ng water hyacinths ang nahakot ng backhoe sa lugar.