Siyam mula sa pitumpu’t tatlong Pilipino na biktima ng human trafficking sa Laos ang nakauwi na sa bansa, ayon sa Department of Migrant Workers.
Kabilang ang mga ito sa unang nasagip mula sa umano’y scam syndicates sa Golden Triangle Special Economic Zone, sa Bokeo Province, sa Laos.
Sinabi ng DMW na pinuwersa ang mga pinoy na mag-trabaho bilang scammers sa kabila ng naunang pangako sa kanila na magta-trabaho sila bilang customer service agents sa Thailand.
Inihayag ni Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac na makatatanggap ang siyam na pinoy workers ng full government support.
Pinangunahan naman ng Department of Foreign Affairs ang rescue operation para sa trafficking survivors.