5 July 2024
Calbayog City
Overseas

Alert level 4, itinaas ng pamahalaan sa Gaza; mandatory repatriation, ipatutupad

alert level 4 gaza

Itinaas na ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang alert level 4 sa Gaza City.

Mangangahulugan ito na magpapatupad na ang pamahalaan ng mandatory repatriation sa mga pinoy sa gaza.

Ayon sa pahayag ng DFA, mayroong 131 Filipinos na accounted for sa Gaza.

Sa nasabing bilang, 78 ang nananatili sa Rafah Border Crossing malapit sa Egypt.

Ang iba pa ay nauna nang nakaalis ng Northern Gaza o sa Gaza City.

Sinabi ng DFA na patuloy ang ginagawang mga hakbang para sa repatriation ng nasabing mga pinoy.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

    Leave a Reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *