KINAPOS ang Alas Pilipinas Girls laban sa Defending Champion Japan sa kanilang Opening Game ng 2nd AVC Asian Women’s Under 16 Volleyball Championship.
Ginulat ng Alas Girls ang Japan sa Second Set subalit hindi nila na-sustain ang Momentum, at kapusin sa Score na 17-25, 25-21, 16-25, 20-25, sa Princess Sumaya Hall.
Pinoy Boxer Eumir Marcial, napasakamay ang WBC Title; tinalo ang Venezuelan Opponent sa Thrilla in Manila
Pinoy Boxer Eman Bacosa, nananatiling Undefeated kasunod ng Unanimous Decision Win laban kay Nico Salado
Alas Pilipinas, kinapos laban sa Iran sa Asian Youth Games
Pinay Tennis Star Alex Eala, naabot ang Career-High No. 51 bago sumabak sa Hong Kong Open
Nagpakilala naman sina XYZ Racyo at Nadeth Herbon sa Asian Stage matapos pangunahan ang Alas Girls sa impresibong Debut sa Under 16 Championship.
Sina Rayco at Herbon ay umiskor ng tig-siyam na puntos sa Second Set, subalit nakapag-regroup ang Japan sa Third Frame. Proud naman si Alas U-16 Coach Edwin Leyva sa Performance ng Alas Girls, sa pagsasabing nakapag-deliver pa rin sila, sa kabila ng maiksing preparasyon dahil karamihan sa mga player ay mula sa iba’t ibang lalawigan sa Luzon, Visayas, at Mindanao.
