NANINDIGAN ang Malakanyang na magpapatuloy ang Ayuda Sa Kapos Ang Kita Program (AKAP) sa kabila nang nalalapit na halalan sa Mayo.
Sinabi ni Palace Press Officer Undersecretary, Atty. Claire Castro, na mahirap na ihinto ang pagbibigay ng ayuda sa taumbayan, dahil marami ang dumedepende rito.
ALSO READ:
Pilipinas, isinantabi ang pagde-deploy ng Navy Ships sa Panatag Shoal
Mosyon ng Kamara sa nabasurang Articles of Impeachment laban kay VP Sara, ipinababasura sa Supreme Court
Comprehensive Economic Partnership Agreement, lalagdaan na ng Pilipinas at UAE
AKAP Program, magpapatuloy sa kabila ng Zero Proposed Budget para sa 2026
Batid din ni Castro ang tumataas na bilang ng mga nagugutom sa kabila ng mga umiiral na assistance programs.
Idinagdag ng palace official na marami ang aalma, lalo na at nasanay na ang mga tao na kumuha ng ayuda para may maipantawid sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.