13 February 2025
Calbayog City
Business

ADB, bahagyang itinaas ang growth forecast para sa developing Asia ngayong 2024

adb

Bahagyang itinaas ng Asian Development Bank (ADB) ang kanilang growth forecast para sa developing Asia ngayong taon bunsod ng mas malakas na domestic demand at paglago ng export.

Sinabi ng ADB na mula sa 4.9% na nauna nilang forecast noong Abril ay inaasahan na ngayong aabot sa 5.0% ang growth sa developing Asia na kinabibilangan ng 46 economies sa Asia-Pacific.

Batay sa tala, lumago ang ekonomiya ng rehiyon ng 5.1% noong 2023.

Para naman sa susunod na taon, pinanatili ng ADB ang kanilang growth forecast sa 4.9%.

donna cargullo
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.