NAKATAKDANG bumida ang Filipina dancer-actress-vlogger na si AC Bonifacio sa Upcoming Korean Thriller Film, kasama ang “K-POP Demon Hunters” actors na sina may Hong at Arden Cho.
Sa pamamagitan ng Social Media ay kinumpirma ng kanyang Agency na Star Magic ang pagkakabilang ni AC sa pelikula na may pamagat na “Perfect Girl.”
Vic Sotto, sumailalim sa cataract surgery
Rhian Ramos at Sam Verzosa, in-unfollow ang isa’t isa sa Instagram
Tagalog Voice Actor Jefferson Utanes na nasa likod ng boses nina Doraemon at Son Goku, pumanaw sa edad na 46
Pokwang, inamin na kapatid niya ang viral driver na binatukan ang lalaking nagtutulak ng kariton; comedian, nag-sorry
Iniulat din ng Industry Outlet na Deadline na isang Pinay actress ang kasama sa pelikula, kung saan tampok ang iba’t ibang K-POP Stars.
Kasama rin sa pelikula sina Nancy Mcdonnie ng Momoland at Thai singer na si Ally, gayundin si Siyoon ng Billies at Chaerin ng Cherry Bullets.
Samantala, ipahihiram naman ng singer-songwriter na si Jeon Somi ang kanyang boses para sa Soundtrack ng pelikula.
Ang “Perfect Girl” ay English-Language Thriller sa ilalim ng direksyon ni Hong Won-Ki at prinodyus nina Arden Cho, Badlands, Thunder Road at Desert Bloom.
