27 December 2025
Calbayog City
National

Energy Security ng Pilipinas, maaapektuhan kung hahayaan na makapagtayo ng istruktura  ang China sa Escoda Shoal

MAHABA-habang epekto sa Energy Security ng Pilipinas kung hahayaan na magtayo ang China ng artificial island sa Escoda o Sabina Shoal.

Babala ito ni Retired Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio, kasabay ng pagbibigay-diin na kailangang depensahan ang Escoda Shoal dahil malapit ito sa Recto o Reed Bank na mayaman sa langis.

Ipinaliwanag ni Carpio na kapag nakapagtayo ang China ng outpost sa Escoda ay maari nilang bantayan ng “24 hours a day” ang reed Bank na dalawa hanggang tatlong beses na mas malaki sa Malampaya. 

donna cargullo

Chief News Correspondent
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *