MAGPAPATUPAD ng Temporary Lane Closure at Stop-And-Go Scheme sa kahabaan ng ruta ng Metro Manila Film Festival (MMFF) 51st Edition Grand Parade of Stars sa Makati City, sa Biyernes.
Sa statement, inihayag ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na epektibo ang traffic adjustments simula 12:01 P.M. Hanggang 10 P.M.
ALSO READ:
Mahigit 200 pulis, ide-deploy para sa 2025 MMFF parade ngayong Biyernes
Guro sa Maynila, inaresto dahil sa umano’y pagbabanta at pamimilit sa 1 estudyante na kumain ng ipis
MMDA nabahala sa tambak na basura sa pumping stations ilang araw bago ang Pasko
Chinese national na umano’y kinidnap, nasagip sa Parañaque
Saklaw nito ang Macapagal Boulevard, Senator Gil Puyat Avenue, Ayala Avenue, Makati Avenue, JP Rizal Street, at AP Reyes Avenue.
Ayon sa MMDA, ookupahin ng movie-themed floats, tents, starting holding area, at main stage ang Northbound Section ng Macapagal Boulevard.
Idinagdag ng ahensya na ang mga manonood sa starting point ng para ay magtitipon-tipon sa Southbound direction ng kalsada.
