EMOSYONAL na tinanggap ni Lea Salonga ang ipinagkaloob sa kanyang Gold Legend Honor sa Gold Gala, sa United States.
Binigyan ng pagkilala ang actress-singer “For a Lifetime of Inedible Contributions to the Success and Representation of the Asian Pacific Community”.
Ang video ng acceptance speech ni Lea ay ibinahagi sa youtube channel ng Gold House, isang non-profit organization na nasa likod ng Gold Gala.
Pinasalamatan ni Lea ang organisasyon sa pagpapalakas sa boses ng Asian American Pacific Islander (APPI) at sa pagkakaisa ng komunidad.
Binalikan din niya ang labis na katuwaan nang piliin siya bilang singing voice nina Princess Jasmine at Mulan.