Aprubado na ng Commission on Elections ang rekomendasyon sa pagpapatupad ng administrative transfer ng sampung mga barangay sa Makati City patungong Taguig City bilang paghahanda sa 2023 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa October 30.
Ayon kay COMELEC Chairman George Garcia, pinal na ang desisyon ng Korte Suprema na nagtapos na ang dalawampu’t siyam na taong usapin ng pagsakop sa lugar sa pagitan ng dalawang siyudad.
Hawak na ni Taguig City Mayor Lani Cayetano ang ilang dokumento kung saan nabigyan na rin ng abiso ang mga concern agencies, tulad ng Philippine National Police, Department of Education, Department of Interior and Local Government, at iba pang ahensya para sa seguridad at paghahanda sa pagpapatupad ng transfer.