Matagumpay na nadepensahan ni three-division world champion Emanuel Navarrete ang kanyang WBO world super featherweight title matapos ang unanimous decision laban kay Oscar Valdez, sa Desert Diamond Arena sa Glendale, Arizona.
Walang kapagurang nagpaulan si Navarrete ng hard combinations sa ulo at katawan ni Valdez na sinikap naman nitong tapatan hanggang sa round 12 ng boksing.
Nakita ng lahat ng tatlong judges na liyamado si Navarrete, at napasakamay muli ang titulo sa pamamagitan ng scorecards na 116-112, 118-110, at 119-109.
Bunsod nito, si Navarrete ay mayroon nang 38 wins, 1 loss, with 31 knockouts.