MAARI nang simulan ang konstruksyon ng Tacloban Causeway Project na magbibgay daan sa mas maikling ruta mula sa downtown ng lungsod patungong airport.
Ito’y makaraang makuha ng Department of Public Works and Highways ang approval ng Tacloban City Council para sa naturang proyekto.
Ayon kay DPWH Eastern Visayas Regional Director Edgar Tabacon, binawi ng City Council ang naunang resolusyon na nag-hold sa proyekto matapos matugunan ng ahensya ang concerns ng environmental groups, kabilang na ang enhancement ng project design.
Umaasa si Tabacon na makukumpleto nila ang proyekto sa termino ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sakto sa pagbubukas ng bagong airport terminal building.